MGA TANONG AT SAGOT TUNGKOL
SA PAG-GAMIT NG ANTIBIOTIKO SA MANOK
by Elito F. Landicho
Importante sa isang nag-aalaga ng sasabunging manok
ang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa wastong paggamit ng
antibiotiko. Marami sa atin ang gumagamit ng mga antibiotiko at ibaa
pang gamot sa manok na walang sapat na batayan ng tamang paraan ng
pag-gamit ng mga ito. Kung di ginamit sa tamang paraan, ang mga antibiotiko
ay maaaring maging sanhi ng panibagong problema.
Walang dudang ang pinakamagaling na paraan maiwasan
ang mga di kanais-nais na epekto ng mga antibiotiko ay ang hindi pag-gamit
ng mga ito. Pero sa totoo, hindi natin maiiwasan ang di gumamit ng
antibiotiko dahil sa mga sakit na maaaring dumapo sa ating mga manok.
Sa ngayon, napakaraming gamot na maari nating pagpilian ang aktong
pagpili ng mga antibiotikong naararapat sa ating pangangailangan ay
sapat nang magpasakit ng ulo. Nakalilito talaga. Sa pagpili ng antibiotiko,
ang madalas na nagiging batayan ay ang presyo ng produkto. Pero dapat
nating isaisip na hindi sa lahat ng pagkakataon, ang murang gamot
ang siyang magaling. Ito ang isang epekto kung saan ang tulong ng
beterinaryo ay may kahirapang masumpungan. Marami ang pagkakataon
na umaasa na lang tayo sa kung ano ang sabihin sa atin ng mga ahenteng
nagbebenta ng mga produktong antibiotiko. Dahil dito’y nakagagamit
tuloy tayo ng gamot na di naman nararapat o walang bisa.
Kailangan ba talagang gumamit ng antibiotiko
sa mga manok?
Totoong puwede tayong mag-alaga ng manok na di mangangailangan ng
antibiotiko kung masusunod ang mahusay na siyentipikong pamamaraan
ng pag-aalaga(husbandry) – magaling na nutrisyon, malinis na
kapaligiran at tamang pabahay. Maarami ang nag-aakala na ang paggamit
ng antibiotiko ay pwedeng pamalit sa mahusay na husbandry. Malaking
pag-aaksay ang gumamit ng antibiotiko at di bigyan ng kaukulang pansin
ang nutrisyon, sanitasyon, pabahay at iba pa.
Kaya bang gamutin ng antibiotiko ang lahat
ng sakit ng manok?
Maraming sanhi ang nga sakit ng mga manok. May mga sakit dahil sa
impeksyon at ang iba’y di-impeksyon. Ang mga sakit na di-impeksyon
ay puwedeng sanhi ng kakulangan sa nutrisyon, pagkalason, sobrang
init at iba pa. Ang sakit impeksyon ay maaring sanhi ng virus ( NCD,
Marek’s disease, atbp. ), baktirya (coryza, CRD, Salmonella,
E. coli, atbp. ), buni, kuto at hanip, coccidia at bulate. Sa pangkalahatan,
angg nga antibiotiko ay ginagamit laban sa mga impeksiyon sanhi ng
baktirya lamang. Hindi nito kayang puksain ang ibang uri ng impeksiyon.
Puwede ba akong gumamit ng kahit aling antibiotiko
para sa kahit anong impeksiyong baktirya?
Hindi lahat ng baktirya ay sensitibo sa kahit anong antibiotiko. May
mga bakteryang natural na resistant sa antibiotiko, mayroon namang
nagiging resistant dahil sa palagiang paggamit ng antibiotiko. Ang
epektibong antibiotiko na laging ginagamit ay maaaring maging di epektibo
sa paglakad ng panahon. Di magandang gawin ang palagiang pag-gamit
ng iisa o iilang antibiotiko lamang.
Ano ba ang dahilan sa mga pagkakaiba ng epekto
ng antibiotiko sa impeksyon?
Ang iba’t ibang antibiotiko ay may kanya-kanyang katangian at
paraan ng pag-atake sa bakterya. Kailangan ang mga antibiotikong gagamitin
ay akma sa impeksyong gagamutin para maging mabisa. Simpleng inilalarawan
sa diagram ang iba’t ibang grupo ng antibiotiko at ang parte
ng baktirya na inaatake ng mga ito. May dalawang prinsipal ng klase
ng baktirya ayon sa reaksyon nito sa tinatawag na Gram-stain. Ang
mga gram positive ay asul ang kulay pag- pinagmasdan sa pamamagitan
ng mikroskopyo; ang Gram-negative tulad ng Salmonella at E. coli ay
mas resistant sa epekto ng antibiotiko kaysa sa mga Gram positive.
May mga antibiotiko na angkop lamang laban sa Gram-positive (halimbawa:
Penicillin, Erythromycin at Bacitracin); may mga angkop lamang laban
sa Gram-negative (halimbawa: Streptomycin, Gentamicin at Colistin.
Mayroon din namang mga antibiotikong kayang labanan pareho ang Gram-negative
at Gram-positive tulad ng Ampicillin, Chlotetracycline at mga Sulfa.
Kung nagka-impeksyon ang aking mga manok
paano akong makatitiyak na tama ang antibiotikong gagamitin ko?
Kung may pumutok na impeksyon, ito’y kinakailangang
ma-diagnose ng beterinaryo. Ang pinaka-angkop na antibiotiko ay maaring
maiyak sa pamamagitan ng sensitivity test, na sa totoo’y di
naman ganoon kadaling magagawa. Kung minsan, may kahirapang mag-diagnose
ang impeksyon at ang pinaka-angkop na antibiotiko para dito. Sa ganitong
sitwasyon, maaring “hulaan” ang pinaka-posibleng impeksyon
base sa mga sintomas at kondisyon ng mga manok. Sa ganitong “hulaan”
malaking tulong ang pagsasangguni sa beterinaryo.
Paano ba nagiging resistant ang baktirya
sa antibiotiko?
Ang baktirya ay maaring maging resistant sa dalawang paraan. Sa isang
populasyon ng bktirya, may mga sensitibo at mga resistant sa antibiotiko.
Sa paggamit ng antibiotiko ang mga sensitibo ay namamatay, samantalang
ang mga resistant ay hindi, at ang mga ito’y puwedeng dumami
kapag ang antibiotiko ay itinigil. Sa susunod na paggamit ng naturang
antibiotiko, ito’y maaaring di na mabisa dahil mas marami na
ang naging resistant kaysa sensitibong baktirya kung ito’y nahawa
sa mga resistant. Ito’y maaring mangyari kung matagal na ginamit
ang antibiotiko.
Puwede bang maubusan tayo ng mabisang antibiotiko
kung laging nagkakaroon ng resistant baktirya?
Hindi naman. Meron tayong simpleng alintuntuning dapat sundin para
sa mabawasan ang pagiging resistant ng baktirya sa mga antibiotiko.
Una, huwag palagiang gumamit ng isang antibiotiko lamang pagkat sa
malaon ang bisa nito’y mababawasan sa gusto natin o hindi. Kung
ang antibiotiko ay unti-unti nang nawawalan ng bisa, ibig sabihin
nito’y may resistant na. Kung mangyari ito, palitan ang antibiotikong
ginagamit na nabibilang sa ibng grupo. Mas mabuti kung sa una pa lang
ay pagsalit-salit na gamitin ang iba’t ibang mabisang antibiotiko.
Naapektuhan ba ang bisa ng antibiotiko ng
paraan ng pagbibigay nito?
Ang antibiotiko ay maaaring ibigay sa manok sa pamamaraan ng ineksyon,
paghalo sa inuming tubig o sa patuka. Pinakamabisa ang ineksyon pero
ito’y hindi maaaring magawa sa lahat ng pagkaaktaon, lalo na’t
kung marami ang manok na gagamutin. Ang antibiotikong inihahalo sa
inumin o patuka ay pumapasok sa bituk. Hindi lahat ng gamot sa bituka
ay puwedeng masipsip at makarating sa kinaroroonan ng impeksyon. Walng
problema kung ang impeksyon ay nasa bituka mismo. Halimbawa, ang Colostin,
Bacitracin, Gentamicin at ilang sulfa ay di-nakapapasok sa katawan
ng manok kaya di mabisa sa pagsugpo ng sakit tulad ng sipon, halak
atpb. , pero maisa sa pagtataeng sanhi ng bakterya sa bituka.
Dapat bang gumamit ng kombinasyon ng mga
antibiotiko?
Oo, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ang kombinasyon ng antibiotiko
ay maaaring gawin sa mga sumusunod na kadahilanan.
a.) Para gamutin ang magkahalong inpeksyon na hindi kaya ng iisa lamang
na antibiotiko.
b.) Para magkaroon ng mas malakas na bisa (synergsm)
c.) Para mabawasan ang resistant ng bakterya sa antibiotiko
d.) Para mabawasan ang pagkalason sa mabagsik na antibiotiko
Hangga’t maaari huwag gumamit ng kombinasyon kung ang isang
antibiotiko ay mabisa. Hindi lahat ng kombinasyon ng antibiotiko ay
nakabubuti sa manok. Sumangguni sa beterinaryo tungkol sa mahusay
na kombinasyon.
Bakit, sa kabila ng paggamit ko ng antibiotiko,
nagkakasakit pa rin ang aking mga manok?
Narito ang mga rason kung bakit di matagumpay ang antibiotiko sa pagsugpo
ng impeksyon, ang ilan ay nabanggit nasa itaas:
a.) Ang sakit y maaaring di sanhi ng baktirya.
b.) Ang antibiotiko ay maaaring di-angkop sa impeksyong ginagamot.
c.) Ang dosis ay di-sapat.
d.) Ang sakit ay sanhi ng magkahalong inpeksyon na di kaya ng isang
antibiotiko lamang.
e.) Maaaring ang manok ay may panibagong inpeksyon na lumabas dahilan
sa paggamit ng antibiotiko.
f.) Nagkaroon na ang bakterya ng resistant.
<< BACK